Medyo mas mahaba sana 'tong post kong ‘to e, kaso bigla akong tinamad. Kaya wag niyo ‘kong sisihin pag binasa niyo 'to tas wala naman kayong napala. Di ko na problema 'yun. Di ako nagkulang sa pagpapaalala na ang post na 'to e produkto ng katamaran.
De, joke lang. Pinaikli ko para mas simple. Pwede naman kasing maikli 'di ba, bat ko pa pahahabain? (nga naman, kahit ang totoo e tinatamad lang talaga ko) Hahaha, tiktakan ng kamalditahan naman ako ngayon o. Joke lang po. Try lang kung bagaaaay :) Kaso sa kasawiang palad, hindi. Haha.
Well, moving on.. Meron akong tanong. Sa mga ate't kuya ko po na gumraduate na, naalala niyo pa po ba yung mga naging crush niyo nung nasa LS pa kayo? E yung mga kapwa kong mga estudyante pa rin ng LS, ayos ba? Weeheee, kiligs to the bones.
Alam mo yung..Pag andiyan si CRUSH todo TITIG ka , pero pag siya ang tumingin todo IWAS ka.Tas paglingon mo nagkatitigan kayo. Let’s say mga five seconds.So todo kilig ka naman. Sabay kame-kame wave na hampas sa katabi mo. Sabay yugyog sa upuan, parang wala ng bukas.
Tas pag-uwi mo titignan mo yung facebook niya (friendster pa dati). Magsisimulang bumuo ng mga plano at taktika para magpapansin sa kanya. At di rin naman mawawala ang pagcompose ng mga kung anu-anong chant o kanta tungkol sakanya, para masaya. Tapos siyempre papaganda (o kaya papogi) muna bago matulog. Mag-iipon ng ibayong lakas ng loob para magawa ang plano sa susunod na araw.
Yes, dumating na rin ang araw ng paghukom. Ang araw na itinakda para i-execute ang mga taktika. Tapos nangyari nga ang dapat mangyari. Nakausap mo siya. Nakuha mo number niya. Nagkatext kayo. Tas the next day friends na kayo. Hi dito, hello doon.
..