KURYUgraphy 101

Author: Alex Tajas 4:36 AM 8/12/11 Filed Under: ,

Medyo mas mahaba sana 'tong post kong ‘to e, kaso bigla akong tinamad. Kaya wag niyo ‘kong sisihin pag binasa niyo 'to tas wala naman kayong napala. Di ko na problema 'yun. Di ako nagkulang sa pagpapaalala na ang post na 'to e produkto ng katamaran.

De, joke lang. Pinaikli ko para mas simple. Pwede naman kasing maikli 'di ba, bat ko pa pahahabain? (nga naman, kahit ang totoo e tinatamad lang talaga ko) Hahaha, tiktakan ng kamalditahan naman ako ngayon o. Joke lang po. Try lang kung bagaaaay :) Kaso sa kasawiang palad, hindi. Haha.

Well, moving on.. Meron akong tanong. Sa mga ate't kuya ko po na gumraduate na, naalala niyo pa po ba yung mga naging crush niyo nung nasa LS pa kayo? E yung mga kapwa kong mga estudyante pa rin ng LS, ayos ba? Weeheee, kiligs to the bones.

Alam mo yung..Pag andiyan si CRUSH todo TITIG ka , pero pag siya ang tumingin todo IWAS ka.Tas paglingon mo nagkatitigan kayo. Let’s say mga five seconds.So todo kilig ka naman. Sabay kame-kame wave na hampas sa katabi mo. Sabay yugyog sa upuan, parang wala ng bukas.

Tas pag-uwi mo titignan mo yung facebook niya (friendster pa dati). Magsisimulang bumuo ng mga plano at taktika para magpapansin sa kanya. At di rin naman mawawala ang pagcompose ng mga kung anu-anong chant o kanta tungkol sakanya, para masaya. Tapos siyempre papaganda (o kaya papogi) muna bago matulog. Mag-iipon ng ibayong lakas ng loob para magawa ang plano sa susunod na araw.

Yes, dumating na rin ang araw ng paghukom. Ang araw na itinakda para i-execute ang mga taktika. Tapos nangyari nga ang dapat mangyari. Nakausap mo siya. Nakuha mo number niya. Nagkatext kayo. Tas the next day friends na kayo. Hi dito, hello doon.
..

Umamin man o hindi ang dapat umamin , ayon sa statistics na nilikha lamang ng aking malikot na imahinasyon e 80% sa mga LSians ay nagkaro’n na ng crush. Yung mga nasabi ko naman sa itaas e karaniwang gawain na ng mga babaeng mistulang tigreng hindi pa nakakain sa loob ng tatlong taon na nakakita ng karne. Hindi joke o kathang isip ang mga 'yon. Naobserbahan ko na ang mga iyon at talaga namang nangyayari. "Pawang katotohanan lamang" ika nga.

Kaya salamat sa mga nag-gigitingang Adonis at mga naggagandahang dilag ng Paaralang Laboratoryo. Dahil sa inyo ay patuloy na nag-aalab ang puso ng mga tagahanga slash fans niyo. Salamat dahil sa inyo ay nabibigyan ng panibagong kulay ang araw araw na buhay estudyante ng mga LSians. And most importantly, salamat dahil sa kagwapuhan at kagandahan niyo ay mas tumitindi ang patunay na ang tatak LSian ay patuloy pa ring dumadaloy sa ating mga ugat sa pamamagitan ng isang makabagong siyensya na tinatawag na "kuryugraphy".

Ang pagkakaroon ng crush, para sa ibang tao ay isang walang kwentang bagay. Kadalasang hinahalintulad sa "kalandian", "kakuryuan" at iba pa. Pero para sa 'kin, isa ito sa mga bagay na lalong nagpapalago sa imahe ng ating paaralan. Dahil sa pamamagitan nito ay napapatunayan natin na ang LSian ay; malikhain (pagcompose palang ng mga chant na nakaka-LSS haha), matalino (mga taktika na tunay nga namang nakabibilib) at magaling (dahil nagagawa niyang i-execute ng mabuti ang plano).

Ang siyensyang ito, na mas kilala na sa tawag na kuryugraphy ay 'di dapat tuligsain, bagkus ay dapat nating intindihin ang tumatangkilik nito kung wala naman silang nalalabag na batas o taong nasasaktan. Sapagkat kung ating pakalilimiin at iiwasang imaniobra ng kakitiran ng isip ang ating pananaw ay mapag-aalaman natin na ang bagay na ito ay isa sa mga salik kung bakit lalong tumimo sa isipan ng mga tao ang tatak LSian; MALIKHAIN, MATALINO, MAGALING.

blog comments powered by Disqus
Your Ad Here